Maagang pamasko ang hatid ng pamahalaang lungsod sa 46 benepisyaryo na nakatanggap ng kanilang titulo ng lupa ngayong araw!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte kasama sina Mr. Ramon Asprer ng QC Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) ang pamamahagi ng mga land titles sa mga benepisyaryo mula sa iba-ibang barangay sa QC.
Ang inisyatibong ito ay hatid ng programang ‘Direct Sale’ na bahagi ng Social Housing Project na may layong bigyan ng maayos at abot-kayang pabahay ang mga taong walang permanenteng tirahan.