Mahigit 170 Senior QCitizens ang nakatanggap ng kanilang tulong-pinansyal at material assistance mula sa Quezon City Government, sa ilalim ng Social Welfare Assistance (SWA) Program.

Pinagtibay ng City Ordinance 3115-2022, ang SWA ay financial assistance para sa mga senior citizen, solo parent, at persons with disability bilang pag-alalay sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Bawat benepisyaryo ay nakakatanggap ng P500 tulong mula sa lokal na pamahalaan kada buwan, sa loob ng isang taon.

Para sa mga nais maging bahagi ng programa, maaaring makipag-ugnayan sa Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) sa pinakamalapit na District Action Office sa inyong lugar.

+10