Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa ceremonial distribution ng Socio-Civic Project Fund check, na mula sa “Bawat Barangay Makikinabang Program” ng Office of the President.
Makikinabang dito ang 142 barangays ng Lungsod Quezon.
Para kay Mayor Joy, mahalaga na direktang ibinababa sa mga barangay sa bansa ang pondo para sa kani-kanilang proyekto, dahil tiyak na mas mararamdaman ng mga Pilipino ang tugon ng pamahalaan sa mga kinakaharap na problema ng komunidad.
Sa ilalim ng programang ito, bawat barangay ay makakatanggap ng P200,000 para sa kanilang scholars at suporta din sa mga proyektong nais gawin ng mga barangay.
Nakibahagi sa programa sina Vice Mayor Gian Sotto, Liga ng mga Barangay – QC Chapter President Councilor Mari Rodriguez, City Treasurer Edgar Villanueva, at mga punong barangay sa lungsod.










