Pinangunahan nina Vice Mayor Gian Sotto at Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang pamamahagi ng license plates sa 161 tricycle drivers sa District IV.

Bahagi ito ng maigting na pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy ng LTO, kung saan huhulihin na ang mga motor at sasakyan na bumibiyahe o pumapasada nang walang plaka. Target ng LTO na maibigay ang mahigit 2,900 na license plates sa mga TODA sa QC ngayong linggo.

Naroon din sa aktibidad si Transport and Traffic Management Department (TTMD) Head Dexter Cardenas.

+36