Congratulations sa 2,334 daycare pupils na nagsipagtapos na ngayong araw!
Pinagtibay ni Mayor Joy Belmonte ang graduation ng mga batang QCitizen mula sa 44 na daycare center ng 29 na barangay sa unang distrito.
Sa kanyang talumpati, ipinangako ng alkalde sa mga magulang ng graduates na titiyakin ng Lungsod Quezon ang mataas na kalidad ng edukasyon hanggang sa kanilang pagtungtong sa kolehiyo.
Sa daycare centers ng Lungsod na pinangangasiwaan ng Social Services Development Department (SSDD), libre ang lahat ng serbisyo at gamit ng mga bata tulad ng school supplies.
Kasama rin ni Mayor Joy sa programa sina Vice Mayor Gian Sotto, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Chief of Staff Rowena Macatao, at SSDD OIC Eileen Velasco.