Personal na kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang kalagayan ng mga QCitizen sa kanyang People’s Day sa unang distrito.
Binigyang solusyon ng alkalde ang mga hinaing at kahilingan ng mga residente, kasama sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz.
Nanumpa rin kay Mayor Joy bilang Kagawad ng Barangay Bahay Toro si Mr. Romeo Santos. Nag-oath taking na rin ang mga bagong opisyal ng mga sumusunod na organisasyon:
– 79 Hawak Kamay Association Inc.
– Retired Seniors and Elderly Group of Barangay Paltok, SFDM, QC, Inc.
– Congressional Village Homeowners Association











