BAGONG ESKWELAHAN SA BAGONG SILANGAN! 🏫

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang inspeksyon sa itinatayong 4-storey building para sa General Licerio Geronimo Integrated High School sa Barangay Bagong Silangan.

Layon ng lokal na pamahalaan na matapos ang proyektong ito ngayong taon. Magkakaroon ito ng 29 classrooms, walong laboratories, apat na activity room, conference room, library, at mga school offices.

Prayoridad ni Mayor Joy ang pagtatayo ng mga eskwelahan sa bawat distrito ng lungsod upang maibsan ang pagsisiksikan ng mga estudyante sa lungsod.

Pangako ito ng Alkalde sa mga kabataang QCitizens na makapaghatid ng dekalidad na pasilidad na tunay nilang mapakikinabangan.

Nakibahagi rin sa inspeksyon sina Councilor Aly Medalla, Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.

+13