NEW SCHOOL IN PAYATAS!
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang nalalapit nang matapos na 4-storey Payatas C Elementary School.
Mayroon itong 24 classrooms, multi-purpose hall, waiting areas, guard houses, material recovery facility, parking area, flagpole, at ramps.
Layunin ni Mayor Joy na mabigyan ng mas maayos na eskwelahan ang mga kabataang QCitizen upang maging komportable ang kanilang pag-aaral.
Kasalukuyang kinukumpuni ang ground area ng eskwelahan na inaasahang matatapos sa mga susunod na buwan.
Kasama sa pagbisita sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Barangay Payatas P/B Rascal Doktor, at Principal Amelita Nugit.