TIYAK ANG PABAHAY NG QC GOV’T!
Tiyak ang pabahay ng Lungsod Quezon matapos pangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang simpleng ribbon cutting ceremony para sa phase 1 ng 5-storey condominium QCitizen Homes Payatas Community 3 sa Barangay Bagong Silangan.
Sa kabuuan, mayroon itong 139 rental housing units na may sukat na 24 sqm at 30 sqm. Nakalaan ang mga pabahay ng lokal na pamahalaan para sa mga informal settler families at mga pamilyang QCitizens na nakatira sa mga waterways at delikadong lugar.
Sinilip ng alkalde ang mga housing unit nito upang matiyak na magiging komportable ang mga pamilyang QCitizen na maninirahan dito.
Sumama rin sa ribbon cutting ceremony sina Councilor Aly Medalla, Chief of Staff Rowena Macatao, Housing Community Development And Resettlement Department OIC Atty. Jojo Conejero, City Engineer Atty. Dale Perral, City Architect Lucille Chua, at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.