Napili ni District 2 Councilor Mikey Belmonte na ipagdiwang ang kanyang kaaarawan sa pamamagitan ng paghahatid ng iba-ibang serbisyong medikal sa QCitizens sa Barangay Holy Spirit.

Ibinahagi naman ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang social services ng lokal na pamahalaan. Hinimok din ng Alkalde ang mga QCitizen na tangkilikin ang mga inklusibong programa ng lungsod para sa kanila.

Bahagi ng services caravan na ito ang libreng medical, dental, at optical check-ups. Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng libreng gamot, eyeglasses, at tele-consult para sa mga senior citizens, pedia, at mga adult.

Kasama rin sa caravan ang Maynilad, Meralco, Smart, Philippine Statistics Authority (PSA) para sa PhilSys, Pag-Ibig Fund, at QC Housing, Community Development and Resettlement Department upang umalalay sa mga nais na mag-apply o magparehistro ng kanilang mga kailangan.

Ayon kay Coun. Belmonte, ang “Medical para sa Barangay” ay mag-iikot sa mga barangay sa District 2 ngayong buwan.

+23