Congrats, QCitizen kiddies! 🎓✨
Tapos na sa unang hakbang ng pag-aaral ang 1,924 QCitizen students mula sa 31 Day Care Centers sa buong Distrito 2.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang idinaos na graduation ceremony ng day care students na ginanap sa Quezon Memorial Circle.
Ayon kay Mayor Joy, dinadagdagan pa ng Lokal na Pamahalaan ang mga programang malaki ang benepisyo para sa mga residente ng Lungsod Quezon. Hinimok din ng Alkalde ang mga pamilya na dumulog sa Social Services Development Department (SSDD) upang matanggap ng iba-ibang suporta para makatulong sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.
Ipininangako rin ni Mayor Joy na magpapatuloy ang pagbibigay ng lungsod ng school supplies, tablets, at scholarship programs para sa mga mag-aaral.
Present din sa graduation rites sina Vice Mayor Gian Sotto, Chief of Staff Rowena Macatao, at SSDD OIC Aileen Velasco.