Pinatunayan ng 267 couples mula District 2 na mayroon talagang forever!
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagsilbing marriage officiant at nagpatibay sa pagsasama ng mga magsising-irog sa ginanap na Kasalang Bayan sa Quezon Memorial Circle.
Naging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ang kanilang mga ninong at ninang na sina Coun. Aly Medalla, Coun. Godie Liban, Coun. Dave Valmocina, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, City Civil Registry Department (CCRD) Head Jun Cariño, at CCRD Admin Officer Atty. Paolo Brillantes.
Para makumpleto ang seremonya ng newly-weds, may pa-cake cutting at wine tasting din! Nakatanggap din sila ng wedding gifts mula sa lokal na pamahalaan.
Muli, congratulations po at hangad ng Quezon City ang isang masaya, masagana, at maginhawa ninyong pagsasama.