TATLONG PROYEKTO SA HOLY SPIRIT!
Sunod-sunod na pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ang tatlong pasilidad sa Barangay Holy Spirit, District 2 kahapon.
Ganap nang nai-turn over ng lokal na pamahalaan sa pamunuan ng Barangay Holy Spirit ang rehabilitated multi-purpose building.
Kasama sa mga binuksan ay ang Senior Citizen’s Office at Daycare Center sa groundfloor ng Multi-Purpose Building, makikita naman sa 2nd floor nito ang malawak na auditorium na maaaring magamit sa iba-ibang events ng barangay.
Kasama ng alkalde sa ribbon cutting ceremonies sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, City Engineer Atty. Dale Perral, at P/B Star Valmocina.




