BAGONG BIHIS NA ESKWEHALAN SA D2! 🏫

Handa na sa pasukan ang newly rehabilitated 4-storey building ng Justice Cecilia Muñoz Palma Senior High School (JCMPHS) matapos itong pasinayaan ni Mayor Joy Belmonte kahapon.

Kasama sa mga retrofitting sa JCMPHS ang repainting, pagsasaayos ng mga bubong, floor replacement, at karagdagang ilaw sa eskwelahan.

Mayroon itong 29 classrooms at tatlong laboratories.

Nais ni Mayor Joy na gawing moderno ang mga eskwelahan at iba pang proyekto ng lokal na pamahalaan, para mas mapakinabangan ng mga QCitizen.

Nakiisa sa ribbon cutting ceremony sina Councilor Aly Medalla, Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Barangay Payatas P/B Rascal Doktor, at Principal Edwin M. Abengoza.

+7