Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang oath-taking ceremonies para sa 10 civil society organizations (CSOs) mula sa District 2 na magiging katuwang ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon.
Bilang bahagi ng People’s Day, pinakinggan ng Alkalde ang mga hinaing ng bawat CSOs. Ipinangako rin ni Mayor Joy ang maagap na tugon ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga suhesyon at isyung idinulog.
Nakipagpulong din si Mayor Joy sa Don Antonio Heights Homeowners Association Inc at Nagdadamayan sa Uno Homeowners Association Inc upang bigyang solusyon ang kanilang mga inihaing isyu sa komunidad.
Kasama niya sa District 2 People’s Day sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at Barangay Holy Spirit P/B Estrella Valmocina.
Pagbati sa bagong CSOs na magiging kasangga ng QC: Madja-as Homes and Homeowners Association Inc, Ramawil 9.6 Neighborhood Association Inc, OFW Family Circle Payatas Chapter, Samahan ng Magkakapitbahay sa Bagong Silangan HOA Inc, Parkwood Hills Homeowners Association Inc, LGBT Pilipinas Holy Spirit Chapter, Bisig ng Pagkakaisa Homeowners Inc – Phase 2B, Malcoomcatz Federation Inc, Magnificent Elders in Bagong Silangan Inc, at Kabahagi Parent Advocates Organization.