7 NEW BUILDINGS IN QC REHAB CENTER!

Ganap nang pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ang 7 bagong buildings sa Quezon City Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Barangay Payatas.

Kasama sa mga isinaayos upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente sa center ang Admin Building, Old and New Mess Halls, Staff House, at ang tatlong dormitoryo para sa mga pasyente.

Tinututukan ng lokal na pamahalaan ang pagsasaayos ng center dahil marami ang nakikinabang na mga pasyente dito at layon ng pasilidad na maging maayos ang kanilang buhay.

Kasama ni Mayor Joy sa mga ribbon cutting ceremonies sina Councilor Aly Medalla, Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Barangay Payatas P/B Rascal Doktor, at mga kawani ng Quezon City Anti Drug Abuse Advisory Council.

+11