MGA BAGONG PASILIDAD SA RMBGH, MALAPIT NA! ⚕️🩺

Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang mga kinukumpuning pasilidad sa Rosario Maclang-Bautista General Hospital (RMBGH) upang matiyak na mapakikinabangan na ito ng mga QCitizen kahapon.

Kasama sa mga ininspeksyon ng alkalde ang ginagawang state-of-the-art facilities at laboratories, tulad ng Microbiology rooms na magkakaroon ng lactation at consolation areas at ang Dialysis Center sa RMBGH.

Sinilip ni Mayor Joy ang isinasaayos na RMBGH Dialysis Clinic na nasa 49% completion rate na. Gagawan ito ng reprocessing room, water treatment room, nurse station, limang dialysis stations, med prep area, at Doctor’s consolation area.

Hangad ng alkalde na magkaroon ng maayos na ospital ang bawat distrito ng Lungsod Quezon upang may malapit na matatakbuhan ang QCitizens tuwing may medical emergencies.

Nakibahagi sa inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, RMBGH OIC Dr. Dave Vergara, City Engineer Atty. Dale Perral, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at mga kawani ng RMBGH.

+4