QC HOSPITAL, SOLAR-POWERED NA!
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa ceremonial lighting para maging fully solar-powered na ang Rosario Maclang-Bautista General Hospital kahapon.
Nasa 216 pieces ng solar panels ang ikinabit ng lokal na pamahalaan alinsunod sa pag-transition ng Lungsod Quezon sa sustainable energy sources para sa mga government building.
Malaki ang tulong ng mga solar panels na ito para makabawas sa konsumo ng kuryente at makatulong preserbasyon ng kalikasan.
Kasama ng Alkalde sa seremonya sina Councilor Aly Medalla, Chief of Staff Rowena Macatao, RMBGH OIC Dr. Dave Vergara, City Engineer Atty. Dale Perral, at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.