Mabuhay ang bagong kasal! 👩‍❤️‍💋‍👨

Walang hanggang pagmamahalan ang ipinamalas ng 124 couples mula District 3 na naging bahagi ng Kasalang Bayan na handog ni Cong. Franz Pumaren.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang naging officiating officer ng newlywed QCitizens.

Nakatanggap ng food packs, electric fan, mugs, rice cooker, at marami pang iba ang mga bagong kasal bilang regalo mula sa mga konsehal.

Dumalo rito sina Coun. Wency Lagumbay, Coun. Chuckie Antonio, Action Officer Atty. Tommy De Castro, at Luigi Pumaren.

+45