Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Matapos ang banal na misa at send-off rites sa District 2, nagpaalam na ang mga deboto ng La Naval para sa pagpapatuloy ng El Recorrido.
Sinalubong nang may masigla at mainit na pagtanggap ng mga residente ng District 3 ang mahal na birhen, kasabay ng pag-awit, pagsayaw, at pananalangin.
Pinangunahan ni Fray Leo Matteo, O.P. ang pagbabasbas sa mga residente bilang bahagi ng pagdalaw ng Mahal na Birhen sa komunidad.










