Maligayang araw ng pagtatapos, kabataang QCitizens!
Sabay-sabay na nagsipagtapos ang 2,122 mag-aaral mula sa 42 Day Care Centers sa buong Distrito 4 sa idinaos na moving-up ceremony sa Quezon Memorial Circle.
Pinangunahan ito ni Mayor Joy Belmonte at sa kanyang talumpati, pinasalamatan niya ang mga guro at magulang sa kanilang sakripisyo upang matuto ang mga kabataan.
Binigyang-diin din ni Mayor Joy na sa Lungsod Quezon, mula kinder hanggang kolehiyo, may mga scholarship programs ang lungsod na handang tumugon sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Dumalo kasama ng Alkalde sina Chief of Staff Rowena Macatao, Social Service Development Department OIC Aileen Velasco, at Brgy. Don Manuel P/B Antonio Calma Jr.