Patuloy ang pagkalinga ng lokal na pamahalaan sa mga pamilya sa iba-ibang evacuation sites sa lungsod na lubos na naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat.
Sa District 4,975 pamilya (3,620 QCitizens) ang kasalukuyang nananatili sa Diosdado Macapagal Elementary School sa Brgy. Tatalon.
28 na pamilya (102 QCitizens) naman ang nasa Kalusugan Barangay Hall habang 159 pamilya (520 QCitizens) ang pansamantalang nanunuluyan sa Trinity University of Asia sa Brgy. Damayan Lagi.
Nakabantay pa rin ang mga tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Social Services Development Department (SSDD), QC Health Department (QCHD), District Action Offices at mga barangay para masiguro ang kaligtasan ng mga pamilyang lumikas sa evacuation centers.
Para sa emergency, tumawag sa QC Helpline 122.




