Isang hindi malilimutang Araw ng mga Puso ang hatid ng pamahalaang lungsod para sa mga magsing-irog ng District 4!
Nagsilbing solemnizing officer si Mayor Joy Belmonte sa Kasalang Bayan 2024 kung saan 132 couples ang nag-isang dibdib.
Nakatanggap din ang mga bagong kasal ng cake at regalo mula kay Mayor Joy at kanilang mga ninong at ninang.
Nakiisa rin ang mga sponsors na sina Councilors Irene Belmonte, Imee Rillo, Nanette Castelo-Daza, Egay Yap, Marra Suntay, Raquel Malangen, Liga ng mga Barangay president Mari Rodriguez, Action Officer Al Flores, Atty. Vincent Belmonte, at Atty. Butoy Lofranco ng Civil Registry Department.




