Mabuhay ang mga bagong kasal!
29 magkakasintahan mula sa ika-apat na distrito ang ikinasal sa Kasalang Bayan na inorganisa ng QC government.
Nagsilbing marriage officiant si Mayor Joy Belmonte habang tumayong Ninong at Ninang sa kasal sina Coun. Irene Belmonte at Atty. Vincent Belmonte.
Saksi rin sa pag-iisang dibdib sina Rep. Marvin Rillo, Coun. Nanette Castelo-Daza, Coun. Raquel Malangen, at Action Officer Alberto Flores.
Muli, isang pagbati at hangad ng lungsod ang inyong panghabangbuhay na pagsasama.