Pinatunayan ng mahigit 1,700 QCitizen couples na talagang may forever!

Ngayong araw, pinagtibay ng 1,737 mag-asawa mula District 4 ang kanilang pag-iibigan sa ginanap na renewal of vows ceremony sa Amoranto.

Nagsilbing ninang at ninong ng couples sina Mayor Joy Belmonte, at Coun. Egay Yap.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Joy ang tibay ng pagmamahalan ng mga mag-asawa at hinangad ang patuloy na masaya nilang pagsasama.

Ang renewal of vows ay programa nina Coun. Egay Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.

+13