Ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte ang pasasalamat ng Lungsod sa Tingog Partylist at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa ibinahagi nitong Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Educational Assistance sa mga pinaka nangangailangang QCitizen sa ikaanim na distrito.
Nasa 1,000 residente ang nakatanggap ng tulong-pinansyal sa District 6. Bago ang payout, sumailalim sila sa masusing assessment at verification ng DSWD.
Kasama ni Mayor Joy na nakiisa sa payout sina Tingog Partylist Rep. Yedda Romualdez, Rep. Jude Acidre, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Coun. Banjo Pilar, at mga punong-barangay.
Bukod sa financial aid, nakatanggap din ang ilan sa mga benepisyaryo ng raffle prizes tulad ng cellphone, motor, at TV mula sa Tingog Partylist.




