Basta batang QC, mahuhusay at matatalino!
Umabot sa 1,927 na mag-aaral sa 33 daycare centers sa Distrito 5 ang sabay-sabay na nagsipagtapos ng kanilang daycare education na idinaos sa Quezon Memorial Circle ngayong araw.
Pinagtibay ni Mayor Joy Belmonte ang recognition rites ng batch na ito na mula sa mga Barangay Greater Lagro, Pasong Putik Proper, North Fairview, Fairview, Santa Lucia, San Agustin, Sta. Lucia, at Novaliches Proper.
Kabilang sa mga prayoridad ni Mayor Joy ang masigurong bawat kabataan sa QC ay mayroong pagkakataong makapag-aral at makapagtapos. Upang patuloy na masuportahan ang pag-aaral ng mga kabataang QCitizen, tiniyak ng Alkalde na taon-taon ay daragdagan ng lokal na pamahalaan ang pondo para sa mga programang pang-edukasyon sa Lungsod Quezon.
Dumalo rin kasama ni Mayor Joy sina Chief of Staff Rowena Macatao at Social Services Development Department OIC Aileen Velasco.