Sa QC, lahat ng bata may karapatang mag-aral!
Pagbati sa 1,738 na kabataang QCitizen na nagsipagtapos sa mga daycare center mula sa barangay Nagkaisang Nayon, Capri, Sta. Monica, Gulod, San Bartolome, Kaligayahan, at Bagbag ng Distrito 5.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang graduation ceremony ng daycare students ng Distrito 5 sa Quezon Memorial Circle ngayong araw.
Para sa Alkalde na isang ina at dating guro, napaka-importanteng paglaanan ng malaking pondo ang mga programang pang-edukasyon dahil paraan ito upang umunlad ang mga QCitizen at ang Lungsod Quezon.
Hinimok din si Mayor Joy ang mga magulang at mag-aaral na tangkilikin ang scholarship programs ng lungsod. Kabilang dito ang Quezon City University na libre ang matrikula, school supplies, at gadgets para sa mag-aaral.
Katuwang ni Mayor Joy sa recognition rites sina Chief of Staff Rowena Macatao at Social Services Development Department OIC Aileen Velasco.