2 IN 1 PROJECT PARA SA NOVALENYO! 🏟

Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang kinukumpuning Detention Basin and Covered Court sa Palmera Homes Phase 3 sa Barangay Sta. Monica.

Makakatulong ang proyektong Detention Basin sa pagbabahang nararanasan ng barangay. Magkakaroon din ito ng full covered court sa ibabaw na maaaring magamit sa iba-ibang aktibidad.

Nasa 52% na ang completion rate ng proyekto at nakatakdang matapos ngayong taon.

Present din sa site inspection sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 5 Action Officer William Bawag, at mga opisyal ng barangay.

+8