Abante Babae, Sulong Distrito Singko!
Nagpakitang-gilas ang iba-ibang grupo ng mga kababaihan mula sa Distro Singko bilang pakikiisa sa selebrasyon ng International Women’s Day.
Sa pangunguna ni District 5 Representative PM Vargas, aabot sa 1, 700 ang dumalo sa selebrasyon na ginanap sa San Gabriel Elementary School sa Barangay Santa Lucia.
Kasama sa programa sina Councilor Shay Liban, Councilor Joe Visaya, at mga punong barangay mula sa Distrito Singko.
Layunin ng programa na ibida ang talento at kakayahan ng kababaihan sa lungsod, gayundin ang pagsusulong ng kanilang mga karapatan at kapakanan.




