Patunay ang 173 couples na wala ng hihigit pa sa walang hanggang pagmamahalan sa idinaos na Kasalang Bayan 2023 na handog ni Mayor Joy Belmonte sa mga QCitizen sa District 5.
Dumalo rin sa Quezon Memorial Circle ang mga ninong at ninang ng mga bagong kasal na sina Councilors Joseph Visaya, Aiko Melendez, Alfred Vargas, Shay Liban, Ram Medalla. Kasama rin sina D5 AO William Bawag, City Civil Registry Department (CCRD) head Salvador Cariño Jr. at CCRD Chief Administrative Officer Atty. Paolo Brillantes.
Nakatanggap ang mga ikinasal ng mga regalo at souvenirs mula kay Mayor Joy, Vice Mayor Gian Sotto, at City Councilors.
Hangad namin ang habambuhay ninyong kaligayahan bilang mag-asawa.