Ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang itinatayong 8-storey Bagbag Integrated High School building sa District 5 kahapon.

Ayon sa City Engineering Department, nasa 50% na ang completion rate ng eskwelahan at inaasahang matatapos ito sa 2026.

De-kalidad ang proyektong ito na mapakikinabangan ng mga estudyante dahil magkakaroon ito ng 51 classrooms, parking area, stage, laboratories, at auditorium.

Kasama ng alkalde sa inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 5 Action Officer William Bawag, at Barangay Bagbag P/B Richard Ambita.

+4