MODERN OPEN SPACE FOR QCITIZENS!🌳🛝

Magagamit na ng mga Novalenyo ang bagong bukas na rehabilitated Palmera Homes Phase 1 Park matapos ang ribbon cutting ceremony na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte.

Isinaayos ng Parks Development and Administration Department (PDAD) ang 1,655 sqm park upang gawin itong kapakipakinabang sa mga QCitizens sa Barangay Sta. Monica.

Ilan sa mga inilagay ng PDAD ay ang interactive pathways, multiple obstacle playground, slides, swings, iba-ibang exercise equipment, benches, at lights. Mayroon din itong munting grotto na may imahen ni Mama Mary.

Nakisaya sa pagbubukas ng bagong parke sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 5 Action Officer William Bawag, at PDAD head Ar. Red Avelino.

+8