Ngayong buwan ng pag-ibig, ramdam na ramdam ang tunay at wagas na pag-ibig matapos ikasal ang nasa 254 couples mula sa District 6 sa Kasalang Bayan 2023 na hatid ni Mayor Joy Belmonte.
Dumalo bilang mga ninong at ninang ng mga magsing-irog sina D6 Rep. Marivic Co-Pilar, City Councilors Banjo Pilar, Ellie Juan, Kristine Matias, at Vic Bernardo. Kasama rin sina D6 Action Officer Atty. Mark Aldave, City Civil Registry Department (CCRD) head Salvador Cariño Jr. at CCRD Chief Administrative Officer Atty. Paolo Brillantes.
Binigyan din ang mga bagong kasal ng mga regalo mula kina Mayor Joy, Vice Mayor Gian Sotto, Rep. Co-Pilar, at City Councilors.
Hangad namin ang inyong matatag at habang buhay na pagsasama.