Patuloy ang isinasagawang social pension validation para sa mga senior citizen sa ikaanim na distrito.

Sumasailalim sa masusing assessment ng Department of Social Welfare and Development-NCR (DSWD-NCR), katuwang ang QC Social Services Development Department (SSDD) at Office for the Senior Citizens’ Affairs (OSCA), ang mga senior na posibleng mapabilang sa programa.

Nauna nang ma-validate ang mga piling senior citizen sa District 5 noong nakaraang linggo. Para sa kumpletong schedule ng validation, umantabay lang sa Quezon City Government Facebook Page o sa inyong barangay.

+6