Puspusan pa rin ang ginagawang paghahanda ng District Action Offices at QC Engineering Department para sa Barangay at SK Elections.

Patuloy ang pagsasaayos at pagkukumpuni sa mga electrical wiring at lighting fixtures sa mga paaralan na gagamitin bilang voting precinct ng COMELEC. Nagdala na rin ng mga karagdagang mesa, silya, election materials, at tally boards na gagamitin sa halalan sa Lunes.

Samantala, nagsagawa rin ng Operation Baklas ang Task Force Teardown para tanggalin ang mga campaign poster at tarpaulins na ilegal na nakakabit sa mga pampublikong lugar o nakapaskil sa labas ng designated common poster areas sa lungsod.

+31