Tuluy-tuloy ang ating District Action Offices at QC Engineering Department sa isinasagawang paghahanda para sa nalalapit na Barangay at SK Elections 2023.
Isinaayos at kinumpuni na ang mga electrical wiring at lighting fixtures, at naghatid na rin ng mga election materials, tally boards, at karagdagang mesa sa iba-ibang mga paaralan sa lungsod na magsisilbing voting precinct ng COMELEC.