Naglagay na ang mga District Action Offices at QC Engineering Department ng mga common poster areas sa iba-ibang distrito sa lungsod kahapon.
Sa common poster areas lamang maaaring maglagay ng campaign materials ang mga kandidato para sa Barangay at SK Elections 2023.
Kasabay nito, isinagawa rin kahapon ang Operation Baklas para tanggalin ang mga campaign poster at tarpaulins na ilegal na nakakabit sa mga pampublikong lugar o nakapaskil sa labas ng designated common poster areas sa lungsod.