Muling ibinaba ng District 2 Action Office ang mga serbisyo at programa ng lokal na pamahalaan sa Constitutional Covered Court ng Brgy. Batasan Hills.
Ilan sa mga serbisyong inihatid ay ang QCID assistance, medical services, mga programa mula sa Housing and Community Development and Resettlement Department (HCDRD), Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA), QC Youth Department Office (QCYDO), QC Veterinary Department (QCVet) at marami pang iba.
Bukod dito ay nagbigay din ng free haircut service ang opisina ni Coun. Candy Medina para sa kanyang mga ka-distrito.
Sundan lamang ang District 2 Action Office Facebook page para sa iba pang anunsyo at schedule ng caravan sa inyong lugar.