Nakuha at naibalik na ng Pamahalaang Lungsod Quezon sa Quezon City Schools Division Office ang bus na nahulog sa bangin sa Sitio Butarero, Brgy. Tala, Orani, Bataan. Ito ay sa tulong ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at United Auctioneers, Inc. na nagpahiram ng crane at ng team na nag-ahon ng bus mula sa bangin, Bataan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Metro Bataan Development Authority (MBDA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at NJP Towing Services na nag-tow ng bus mula Orani hanggang QC.
Ang nahulog na service bus na sinakyan ng mga guro ng mga public schools ng QC ay donasyon ng Quezon City Government sa QC Schools Division Office noon pang 2016.