Sa QC, buhay na buhay ang sining at kulturang Pilipino!

Nagsilbing host ang lungsod Quezon sa Diwang: Sagisag Kultura ng Filipinas Balagtasan Competition Finals na pinangunahan ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), NCCA-Philippine Cultural Education Program katuwang ang QC Education Affairs Unit.

Naging hurado sa patimpalak ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario. Nakiisa naman sina PCEP Director Joseph Cristobal at Asian Social Institute President Felipe de Leon Jr. sa aktibidad.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Mayor Joy Belmonte ang sama-samang pagbibigay-buhay at pagkilala sa kultura at pantikang Pilipino.

Ginugunita rin ngayon ang Araw ng Pagtula sa QC kasabay ng kapanganakan ng makata na si Jose Corazon de Jesus o Huseng Batute. Tuwing ika-22 ng Nobyembre, ipinagdiriwang ang Poetry Day sa QC sa bisa ng Executive Order No. 19.

+36