Sa huling araw ng pagdiriwang ng World Day Against Child Labor, pinangunahan nina Rowella V. Grande, Director ng DOLE-NCR Quezon City Field Office, at Rogelio L. Reyes, Head ng Public Employment Service Office, ang pamamahagi ng mga livelihood package sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).
Kabuuang 55 magulang at kaanak ng mga child laborers ang tumanggap ng iba’t ibang panimulang kabuhayan, kabilang ang meat processing, barbecue package, tailoring, at bread and pastry package.
Layunin ng DILEEP na mabigyan ang mga pamilya ng pagkakataong magkaroon ng matatag na pinagkukunan ng kabuhayan upang matustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at tuluyang maiwasan ang pagpasok o pagbabalik ng kanilang mga anak sa child labor.
Ang mga benepisyaryo ay sumailalim sa business planning, orientation, at social preparation. Sila ay napili mula sa mga pamilyang naitala sa malawakang Child Labor Profiling ng lungsod bilang bahagi ng patuloy na kampanya tungo sa Zero Child Labor.










