Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Mayor Joy Belmonte kay Senator Loren Legarda dahil nakatanggap ng livelihood package ang 1,400 QCitizens sa ilalim ng Department of Labor and Employment Integrated Livelihood Program (DILP).

300 benepisyaryo ang nakatanggap ng sewing machines. Ang ilan ay mula sa sewing communities at cooperatives sa lungsod mula sa Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office habang ang ilan naman ay graduate ng barangay-based skills training program ng Social Services Development Department.

Habang 1,100 ang nakinabang sa programang bigasan, kung saan ilan sa kanila ay bahagi rin ng Tindahan ni Ate Joy program.

+17