Inaasahang matatapos sa Disyembre ang isinasagawang rehabilitasyon ng Quezon City Department of Engineering sa apat na school buildings sa Don Alejandro Roces Sr. Science and Technology High School (DARSSTHS).

Kabilang sa mga isinasaayos ay ang Mathay Building, SOTA Building, ALS building, TECHVOC Building, at ang Pump Room ng eskwelahan.

Tinatayang nasa 1,780 na mga estudyante ang makikinabang sa proyektong ito.

Layon ng proyekto na maging mas ligtas, moderno, at maaliwalas para sa mga guro at mag-aaral ang DARSSTHS.

Ipinangako rin ni Mayor Joy Belmonte na magpapatuloy ang malaking budget para sa education sector ng Lungsod Quezon.

#TayoAngQC

+2