Nagsasagawa ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ng creek restoration at construction ng detention basin sa Doña Carmen, Barangay Commonwealth.
Batay sa flood map ng QC Drainage Master Plan, natukoy na may dating daluyan ng tubig o creek sa lugar. Sa ginawang paghuhukay sa site, nakita ang existing drainage pipes na may tinatayang kapasidad na halos 48 cubic meters lamang— mababa kumpara sa inaasahang dami ng tubig-baha sa lugar.
Dahil dito, isinagawa ang creek restoration kung saan pinalawak at ibinalik ang daluyan ng tubig. Sa ngayon, tinatayang aabot sa 516 cubic meters ang kapasidad ng creek, o halos sampung beses (+1000%) ang itinaas kumpara sa dati. Inaasahang makakatulong ito para mabawasan ang pagbaha sa lugar.
Kasabay nito, may isasagawa ring construction ng detention basin bilang karagdagang imbakan ng tubig.
Ilan lamang ito sa mga patuloy na hakbang ng Quezon City Government, alinsunod sa QC Drainage Master Plan, upang masigurong Science-based at data driven ang mga flood mitigation solutions sa lungsod.










