Tinanggap ng lokal na pamahalaan mula sa SHARP Philippines Corporation ang washer, dryer, at twin tub washing machine ngayong araw.

Ilalagay sa mga shelters ng lungsod ang mga donasyon na natanggap.

Sa kasalukuyan, narito ang shelters sa Quezon City:

– Molave Youth Home para sa mga child in-conflict with the law

– Kabahagi Center for Children with Disabilities

– Bahay Kalinga para sa mga kabataang nangangailangan ng rehabilitasyon

– Bahay Kanlungan para sa mga kababaihan na naabuso at kailangan ng proteksyon

– Bahay Aruga para sa ating senior citizens

– Tahanan – Reception and Action Center para sa mga taong lumikas at nangangailangan ng pansamantalang tirahan