Base sa imbestigasyon ng Quezon City Government, nadiskubreng 331 ang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lungsod mula 2022 hanggang 2025. Mayroon itong kabuuang pondo na Php 17 BIllion.
Lumabas sa pagsusuri na dalawa lamang sa 331 flood control projects ang may Certificate of Coordination (COC) at pinayagan ng lungsod.
Ayon sa Ordinance No. SP-2939, S-2020, kinakailangang may koordinasyon sa lokal na pamahalaan ang bawat proyektong itatayo sa Quezon City.
Sa kabuuang mga proyekto, 157 ang nakapaloob at pinondohan sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), habang 170 naman ang wala sa listahan ng NEP para sa mga taong 2022, 2023, 2024, at 2025.
Matapos ang mga pagsusuring isinagawa sa flood control projects ng DPWH sa lungsod, natuklasang 305 o 94% ng kabuuang mga proyekto na nagkakahalaga ng Php16 BIllion ang hindi nakahanay sa Drainage Master Plan ng lungsod.
Narito ang full report ng findings:
https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/09/DPWH-FLOOD-CONTROL-PROJECTS-IN-QC.pdf







