Iginawad kay Betty Go-Belmonte ang Lifetime Achievement Award ng Quezon City Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. (QCAFCBI). Tinanggap ito ng kanyang kabiyak na si dating House Speaker Sonny Belmonte.
Pagkilala ito sa kanyang pagsuporta sa press freedom at pagpapayabong ng pamamahayag sa bansa. Isa siya sa nagtatag ng The Philippine STAR at Philippine Daily Inquirer.
Naimbitahan din si Mayor Joy Belmonte bilang guest speaker sa 35th Anniversary Celebration & Induction Ceremony of the 16th Term of QCAFCBI Directors & Officers.
Si Small Business and Cooperative Development and Promotions Office head Mona Yap ang naging kinatawan ng alkalde.
Dumalo sa programa sina Rep. Franz Pumaren, Coun. Wency Lagumbay, at Coun. Nanette Daza.