Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Simula pa kagabi, patuloy ang operasyon ng Quezon City Department of Engineering (QCDE) sa NS Amoranto upang mabawasan ang flood waters bunsod ng malakas na buhos ng ulan sa lungsod kahapon.
Ngayong araw, tuloy-tuloy din ang pag-flushing, at paglilinis ng mga drainage at inlets sa mga apektadong barangay upang matiyak na hindi barado ang mga kanal at daluyan ng tubig sa District 1.








