Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na kinumpuni ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering, ang lumang inlet sa bahagi ng Mapagsangguni corner Madasalin St. sa Brgy. Sikatuna Village. Naglagay rin ng karagdagang suporta upang masiguro ang tibay at kaligtasan nito.
Bilang dagdag na hakbang para sa kaligtasan ng publiko, pinaplano na ang pagsasaayos ng sidewalk sa lugar para maiwasang maglakad ang mga pedestrian sa mismong kalsada.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng inspeksyon at pagkukumpuni ng mga imprastraktura sa lungsod upang maiwasan ang anumang aksidente.
Hinihikayat din natin ang publiko na ireport sa amin o sa Helpline 122 ang mga kahalintulad na concern.
Maraming salamat po.








